Latest News

RECON TRAINING NG ARMY, SA HAWAII WINAKASAN NA

Tinapos na ng pinagsanib na pwersa ng 91st Brigade Reconnaissance Company (91BRC), 1st Brigade Combat Team at ng U.S. Army’s 5th Security Force Assistance Brigade (5SFAB) ang isinagawang recon exercises sa kabundukan ng Oahu east Range sa Hawaii.

Ang pinagsamang pwersa ay nagsagawa ng after-activity review kaugnay ng mga diskarte, taktika at pamamaraang ginamit sa panahon ng Oahu East Range recon exercise.


Ang culmination activities ay hudyat na ng paglipat sa ikalawang yugto ng ehersisyo para sa 91BRC at 5SFAB sa panahon ng Joint Pacific Multireadiness Center (JPMRC) Rotation 23-01.

Ang multinasyunal na ehersisyo ay isinasagawa ng U.S. Army Pacific, pinagsamang pwersa ng U.S., at mga kalahok na kaalyadong hukbo sa buong Hawaiian archipelago.

Nagpadala ang Philippine Army ng 103-strong contingent sa multinational training exercise na naglalayong pasiglahin ang pakikipagkaibigan at interoperability sa mga allied armies mula sa buong Indo-Pacific Region. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: 91st Brigade Reconnaissance Company (91BRC)

You May Also Like