REAR ADMIRAL ADACI, BAGONG PHILIPPINE NAVY FOIC

OPISYAL nang nanungkulan kahapon bilang bagong hirang na Philippine Navy Flag Officer- in – Command (FOIC)si Rear Admiral Toribio Adaci, Jr. ang kauna-unahang Navy officer na manunungkulan sa loob ng tatlong taon sa ilalim ng Republic Act No. 11709.

Hinalinhan ni RAdm Adaci si Navy vice commander Rear Admiral Caesar Bernard Valencia na nagsilbing acting chief ng Hukbong Dagat simula noong Setyembre 9.


Si Adaci ay dating pinuno ng Naval Forces Western Mindanao bago ito napiling Navy chief.

Dahil sa pagkakahirang kay Adaci siya ang kauna-unahang hepe ng Navy na magsisilbi sa loob ng fixed term na tatlong taon ayon sa itinakda ng RA 11709.

Nagsilbing presiding officer at guest of honor si AFP chief of Staff General Bartolome VO Bacarro sa ginanap na change-of-command ceremony sa punong tanggapan ng Philippine Navy sa Maynila.



Inihayag din ng AFP ang paglukolok kay Maj. Gen. Arthur Cordura ng Philippine Air Force bilang bagong Vice Chief of Staff ng hukbong sandatahan.

Pinalitan niya si Vice Admiral Rommel Anthony Reyes, ang AFP Deputy Chief of Staff, na humawak sa nasabing posisyon in acting capacity kasunod ng pagreretiro ni Lt. Gen Erickson Gloria noong Setyembre.


Si Cordura ay miyembro ng Philippine Military Academy “Bigkis Lahi” Class of 1990 at nagsilbi sa iba’t ibang staff at command functions sa Philippine Air Force.

“Your years of experience in the noble profession of arms, most notably as Vice Commander of the Philippine Air Force, has more than prepared you for this position,” pahayag Bacarro sa ginanap na change-of-command ceremony sa Camp Aguinaldo.



“Lubos akong nagtitiwala na patuloy kang magpapakita ng madamdaming pamumuno sa posisyong ito na nangangailangan ng mas malaking responsibilidad at magbibigay sayo ng pagkilala bilang unang VCSAFP na maglingkod nang hanggang tatlong taon,” dagdag niya. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Jr., Rear Admiral Toribio Adaci

You May Also Like