Inianunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila na may mga kalsadang isasara at re-routing na ipatutupad sa long weekend kaugnay sa paggunita ng All Saints Day at All Souls’ Day..
Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Mayor Hioney Lacuna, ang mga kalsadang papunta sa Manila North Cemetery sa Sta.Cruz ay isasara sa mga sasakyan, simula Oktubre 31.
Kabilang na dito ang Aurora Boulevard (Dimasalang Road to Rizal Avenue); Dimasalang Road (mula Makiling Street hanggang Blumentritt Road); Pedro Guevarra Street (mula Cavite Street hanggangAurora Boulevard); Blumentritt Road ( mula Andres Bonifacio hanggang P. Guevarra Street); Retiro Street (mula Dimasalang Road hanggang Blumentritt Road);Maceda Street (mula Makiling Street hanggang Dimasalang Road)
Ayon pa kay Abante, may inilagay na parking area sa kalsada ng Pedro Guevarra Street , Felix Huertas Street , Oroquieta Street, at Simoun Street.
Pinayuhan rin nito ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Kung pupunta sa La Loma at Chinese Cemeteries, maaring dumaan sa kalsada ng Rizal Ave.at J. Abad Santos Avenue patungo sa destinasyon.
Lahat ng sasakyan na.magmumula sa Rizal Avenue ay maaring dumaan sa Blumentritt diretso sa Rizal Avenue papunta sa destinasyon.
Ang mga trailer trucks/heavy vehicles na magmumula sa A.H. Lacson Ave. at gagamit ng Dimasalang Road ay maaring dumiretso sa Yuseco St.papunta sa destinasyon at ang mga sasakyan mula sa Dimasalang Rd. na dadaan sa Blumentritt ay maaring.kumanan sa Makiling Street, diretso sa Blumentritt Extension.papunta sa destinasyon.














