RAYVER CRUZ FEELING KASAL NA KAY JULIE ANNE

By: Beth Gelena

SA “Fast Talk With Boy Abunda” last Friday, naikuwento nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang kanilang nakakatakot na karanasan nang abutan sila ng gulo sa Israel.

Nasa Israel kasi ang dalawa kasama si Boobay noon pang October 3 nang abutan sila ng bombahan sa pagitan ng Israel at Hamas noong October 7.

May concert sila entitled “Luv Trip Na, Laff Trip Pa” sa Smolarz Auditorium ng Tel Aviv University na naka-sked noon ding araw na iyon pero kinansela na rin bunga kaguluhan.


Naikuwento nila ang kanilang naging karasanasan kung saan dinig na dinig nila ang pagsabog ng mga missile at ang nakabibinging sirena.

Mabuti na lamang daw at maraming Pilipino doon nag-asikaso sa kanila para ligtas sila na makauwi sa Pilipinas noong Oktubre 8.

Sa tanong ni Tito Boy kay Rayver kung hindi ba nito naisip mag-propose kay Julie Anne habang nagkakagulo sa kanilang paligid, ang sagot ng aktor: “Ang nangyari, yung joke na yon after nakalabas na kami, nagkakape na kami. Pero nung time ng pangatlong pagsabog at pagpasok, para sa akin, everything happens for a reason. Siya lang ang nakakaalam, yung sa Itaas.:

“Para sa akin, yung glimmer of hope, yung lakas ng loob ko, e, nanggagaling kay Julie. So, iniisip ko, may rason kung bakit si Julie magkasama kami sa Holy Land.


“And then for me, mind, body, and soul, kasal na ako sa kanya. Pero alam ng Diyos na makakauwi kami, may chance pa kaming kunin ka [Boy] as ninong,” natatawang sagot ni Rayver.

Sobrang nagpasalamat din si Tito Boy sa mga kababayan natin na nasa Israel at nanalangin na maging ligtas sila sa gitna ng giyerang ito.

Tags: Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

You May Also Like

Most Read