NATUNTON ng mga operatiba ng Manila Police District(MPD) ,ang isang 24 anyos na lalaki na wanted sa 2 counts ng rape sa Iloilo sa harap ng isang carwash ,kamakalawa ng hapon sa Sta.Mesa,Maynila.
Ayon kay P Major Cicero Pura, assistant chief ng District Special Operation Unit (DSOU) ,hindi na nakapalag ang suspek na si Reymark Jhon Castromayor,carwash boy at tubong Brgy. Datagan, Calinog, Iloilo Province, Western Visayas.
Nabatid na si Vastromayor ay nasa top 9 most wantes person sa IloIlo Police Provincial Office (Provincial Level)
Ang suspek ay namataan sa harap ng GSIS Metrohomes Carwash.sa may Aicete St. Santa Mesa, Maynila,alas 5:30.ng hapon.
Bitbit ng mga pulis ang arrest warrant inisyu ni Presiding Judge Redentor Eugenio Esperanza , RTC, Sixth Judicial Region, Branch 76, Janiuay, IloIlo noong Nobyembre 9,2021.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. (Philip Reyes)