Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kahapon ng tanghali sa Intramuros Maynila ang isang 32- anyos na lalaking wanted sa panggagahasa sa isang paslit.
Nasa kustodiya ng MPD-District Police Intelligence Operation Unit na pinamumunuan ni Maj. Kevin Bautista ang suspek na si Johnrel Eapoñol Hordonez na wanted sa two counts ng qualified rape of minor at apat na counts ng sexual assault sa ilalim ng Art. 266-A(2) ng Revised Penal Code in rel. to RA 7610 as amended by RA 11648″.
Nabatid na alas-12:30 ng tanghali nang maaresto ang suspek sa Magallanes St., Brgy. 655 Zone 69, Intramuros, Maynila.
Si Hordonez ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest inisyu ni Presiding Judge Roy Gironella ng Manila RTC Br 43 na may petsang Hunyo 5, 2024.
Walang inirekomendang piyansa ang hukom sa kasong qualified rape habang P200,000 naman ang Inirekomenda sa kasong four counts sexual assault.