Latest News

‘Rapist’ ng modelo, timbog sa MPD

Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa loob ng isang coffee shop sa Quezon City ang isang lalaki na may kasong panggagahasa sa isang babae na kinuha niya bilang modelo para sa isang cosplay noong 2017.

Nakadetine ngayon sa MPD-District Special Operations Unit ang suspek na si Carl Jefferson Yrissary, 26, nagpakilalang isang mural artist, at nakatira sa Block 7 Lot 7 Cresta Verde Subdivision, Novaliches, Quezon City.


Sa ulat, inaresto ng mga tauhan ng DSOU si Yrissary habang nagkakape sa isang coffee shop sa loob ng isang shopping mall sa may EDSA, Quezon City dakong alas-3:30 kamakalawa ng hapon sa bisa ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Gina Bibat-Palamos ng Pasay Regional Trial Court Branch 108.

Ayon sa pulisya, naghain ng reklamo ng rape ang isang model na nakilala umano sa online ng suspek. Nagpakilala umano na photographer ang suspek at nais kunin na modelo ang biktima para sa isang cosplay costume.

Nagkasundo ang dalawa na magkita sa Pasay City at pumasok sa isang hotel para doon mag-photo shoot. Ngunit sa halip na pagmo-model ang mangyari, pinagsamantalahan umano ng suspek ang biktima, ayon kay P/Major Dave Garcia, assistant chief ng MPD-DSOU.


Nagtago ang ang suspek ngunit natunton siya ng mga pulis. Dalawang linggo siyang minanmanan bago isinagawa ang inaresto.

Samantala ay patuloy na makukulong ang suspek dahil sa walang inilaan na piyansa para sa kaniyang pansamantalang paglaya, habang itinanggi niya ang akusasyon laban sa kaniya dahil sa wala umano siyang maalala. (Philip Reyes)


Tags: MPD-District Special Operations Unit

You May Also Like