Rapist ng 16-anyos, arestado sa MPD

By: Baby Cuevas

Nasakote ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 8 kamakalawa ng hatinggabi sa Sta.Mesa, Maynila, ang isang lalaki na wanted sa kasong paggahasa ng isang 16-anyos na dalagita noong Setyembre 2023.

Nakadetine sa MPD-PS 8,ang suspek nakilalang si Karl Louie Verzosa Y Baldonadi, 21, ng Ipil-ipil Street, Sta. Mesa, Maynila, na naaresto alas-11:30 ng hatinggabi sa harap ng isang apartment sa Barangay 598 Sta. Mesa, Maynila.


Si Versoza ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge James Sy, ng Branch 4, kung saan walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Napag-alaman sa record ng korte na ang suspek ay unang sinampahan ng kaso ng 16-anyos na dalagita noong Hulyo 25, 2013 matapos na pagsamantalahan.


Tags: Manila Police District-Police Station 8

You May Also Like