Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -District Mobile Force Batallion Intelligence Section ang isang 23- anyos na lalaking ‘wanted’ sa kasong rape, kamakalawa sa Palanca Street. Quiapo, Maynila.
Nasa kustodiya ng DMFBIS ang suspek na nakilalang si Aries Jasper Magpoc,alyas ‘Jasper’ at residente ng No.138 Rizal Avenue Ext, Grace Park Caloocan City.
Nabatid na alas- 8:57 ng gabi nang maaresto ang suspek sa nabanggit na lugar.
Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Acting Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez -Briones , Branch 1 ng Caloocan RTC na may petsang Enero 12,2024.
Walang Inirekomendang piyansa ang hukom para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.














