Rapist anim na taong nagtago, natunton sa Baseco

By: Baby Cuevas

Arestado ang isang lalaking mahigit anim na taon nang nagtatago sa batas sa kasong rape, matapos na maaresto ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 13 sa Baseco Compound , Port Area, Maynila.

Nasa kustodiya ng MPD-PS13 ang suspek na si Victorino Anabo,44 ,helper at naninirahan sa No. 061 Block 1 Old site ,Brgy. 649 BAseco Compound. Port Area, Maynila at wanted sa tatlong kaso ng rape na naganap noong Agosto 14, 2017.


Wala namang inirekomendang piyansa si Quezon City RTC Presiding Judge Roberto Buenaventura ng Branch 86.

Si Anabo ay naaresto ng mga pulis alas-2 ng hapon sa nabanggit na. lugar.

Nakatakda siyang iturn-over sa hurisdiksiyon ng Quezon City Court para sa disposisyon.


Tags: MPD-PS13

You May Also Like