Natunton ng mga tauhan ng Manila Police District- Station 6 ang isang lalaki may kasong rape sa.Marinduque ,kamakalawa ng hapon sa loob mismo ng Sta. Ana.Police Custodial Facility.
Sa loob na ng istasyon ng pulisya isinilbi ang arrest warrant kay Allan Lacaros,46, construction worker at taga Unit 3A Domus Marie Bldg. 2, Sagrada Familia St., San Andres Bukid, Maynila.
Inirekomenda ni Boac Marinduque Presiding Judge Emmanuel Recalde ng RTC BR. 38 ang P200,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Lacaros.
Ang kaso ni Lacaros ay paglabag sa Art.266-A par. 2 ng RPC na inamiyendahan sa kasong R.A 8353 in relation to R.A 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. 127-16 na may petsang Hulyo 20,2016.
Inakusahan si Lacaros ng paggahasa ng menor de edad.
Si Lacaros ay unang naaresto sa isinagawang Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO). (Arsenio Tan)