WALA ng kawala sa kamay ng batas ang rank 8 regional most wanted person ng Bicol matapos itong silbihan ng warrant of arrest ng mga operatiba ng CIDG Masbate PFU, Placer MPS, RIU5,94th SAC 9th SAB and 2nd PMFC Masbate.
Dakong 10:30 ng umaga sa Purok 2, Brgy. Luna, Placer, Masbate nang mahuli ang akusado na si Edgar Arcenal y Paghubasan, 47-anyos, residente ng nasabing lugar.
Ito ay nahaharap sa kasong paglabag sa tatlong bilang ng kasong rape na may kaugnayan sa paglabag sa RA7610. Ang korte ay walang inerekomendang piyansa para sa kanyang paglaya.
Ang PNP Bicol sa pangunguna ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, RD ay wala pa ring humpay para tugisin at hulihin ang mga indibidwal na may nagawang paglabag sa batas.
Mas pinalalakas din nito ang ugnayan sa komunidad para mas mapadali ang paghahanap sa mga wanted persons na nasa talaan ng PNP Bicol.