RANK 7 REGIONAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA LAW ENFORCEMENT OPERATION

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City—Naaresto ng PNP-Police Regional Office 5 ang nakatalang rank number 7 regional most wanted person matapos ang inilunsad na manhunt operation ng magkasanib na puwersa mula Jose Panganiban Municipal Police Station kasama ang RIU, PRO5 PIT Camarines Norte sa Philippine Army 9th Infantry Battalion.

Sa ulat na ipinasa ng Camarines Norte Police Provincial Office, kinilala ang most wanted na sina Jalandoni, Arjay y Bañez. Bandang alas-12 na kamakalawa ng tanghali ay nasukol ito ng mga tungkulin sa Purok 2, Barangay San Isidro, Jose Panganiban, Camarines Norte sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 5, Daet, Camarines Norte.


Nahaharap ito sa kasong two counts of rape in relation to RA 7610 na walang inirekomendang piyansa.

Sa tala ng PNP, ang akusado ay nangmolestiya at nang-aabuso sa isang menor de edad noong Disyembre noong nakaraang taon sa Brgy. Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ibinunyag pa ng impormasyon na siya ay miyembro ng komunistang teroristang grupo. Siya rin ay tinaguriang rank 8 provincial most wanted persons na Camarines Norte at sa parehong oras ay rank 4 Municipal Most Wanted Person ng Jose Panganiban.


Ang PRO5 ay patuloy na ginagawang matatag ang pundasyon nito sa layuning mabigyan ang komunidad ng mas ligtas at maayos na komunidad. Kasabay nito ang pagtiyak ba higit pang pai-igtingin ang pagsisikap nitong iselda ang mga wanted at bigyan ng hustisya ang mga biktima. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Jose Panganiban Municipal Police Station

You May Also Like