Random drug test sa mga pulis-Maynila

Nagpatupad ng random drug test ang pamunuan ng Manila Police Distric t(MPD) para matukoy kung may mga drug user na pulis.

Nabatid na inuna ni MPD District Director PBGen. Andre Dizon,ang mga tauhan ng Police Community Precinct ng MPD sa Pandacan,Maynila,alas- 3:30 ng hapon ng Miyerkules.


Ang random drug testing ay isinagawa kasunod ng surprise drug test na isinagawa sa mga opisyales ng MPD at QCPD nang ipatawag sa NCRPO.

Nag-negatibo naman sa drug test ang mga opisyal na isinailalim sa surprise drug test kabilang na si Dizon.

Hindi ini-anunsiyo ni Dizon kung anong hanay ang isusunod na ida -drug test para hindi makapaghanda kung meron mang pulis na gumagamit ng ipinagbabawal na droga. (JERRY S. TAN)


Tags: Manila Police Distric t(MPD)

You May Also Like