Latest News

Radio Veritas, biktima ng food online scam

BINIGYAN ng babala ng Radio Veritas ,ang publiko kaugnay sa text at online scammers.

Ito ay matapos na mabiktima ang ilang food riders ng mga scammers na ginamit ang pangalan ng himpilan para mag deliver ng pagkain sa kanilang tanggapan

Kamakailan, sunod-sunod na dumating sa himpilan ang mga pagkain mula sa iba’t ibang food outlets na ino-order online gamit ang textline number nito.


Sinabi ng Radio Veritas, walang sinumang kawani ng himpilan ang pinahihintulutang gamitin ang pangalan ng institusyon at textline number nito sa personal na pangangailangan.

Nalaman sa isang food chain, isa sa natukoy na nag-order online ang nangangalang George Calimag gamit ang textline number at address ng himpilan sa Quezon City at email address na thinkingpinoy.1934@aol.com.


Samantala, binalaan din ng Radio Veritas ang mamamayan lalo na ang mga obispo at pari laban sa anak ng dating kawani na si Rolando Santoyo na ginagamit ang pangalan ng himpilan sa panghihingi ng tulong pinansyal.

Sa mga reklamong natanggap ng Radio Veritas mula sa ilang obispo at pari, nagpakilala itong kawani ng himpilan at nangangailangan ng tulong pinansyal para sa pagpapagamot.


Ipinaliwanag pa ng Radio Veritas ,nagbigay na sila ng tulong sa pamilya ni Santoyo pero patuloy pa rin ito sa pagpapadala ng text messages gayundin sa pamamagitan ng personal message sa social media account ng mga pari at Obispo.

Maaring tumawag sa official number ng Radio Veritas sa (02) 8925-7931 hanggang 39 para makupirma ang mga natatanggap lalo na sa online at usaping pinansyal. (Jaymel Manuel)

Tags: Radio Veritas

You May Also Like

Most Read