Latest News

RADIO COMMENTATOR, PINATAY SA SAKSAK

PATAY na at tigmak ng dugo nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay ang isang radio commentator sa Barangay Poblacion, bayan ng Bacolod, Lanao del Norte.

Sa ulat ng Bacolod Municipal Police Station, pinatay sa saksak ang radio commentator na si Audrey Estrada .

Sa ulat na Isinumite ni PMaj. Mohammad Doro, officer in-charge ng Bacolod MPS, at PMSg Junas Repayo, IOC, sinasabing patay na ang biktima nang matagpuang patay sanhi ng 15 saksak na tinamo nito sa iba’t-bang bahagi ng katawan, gamit ang 13-inch-long kitchen knife na nakita sa crime scene.


Sinubukan pang itakbo sa pagamutan ang biktima matapos na makitang nakahandusay sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, subalit idineklara itong dead-on-arrival ng attending physician.

Natagpuan sa crime scene ang kutsilyong gamit sa pananaksak kay Estrada pero hinugasan na ito.

Sinasabing walang nakakita sa pananaksak, kaya sa kasalukuyang ay blanko pa ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng salarin..

Ayon kay Police Major Mohammad Doro, inaalam pa ang motibo ng pagpatay at kung may kinalaman ito sa trabaho ng biktima.


“Pero may person of interest na kami. Nag-iimbestiga pa rin kami sa nangyayari,”anang opisyal

Si Estrada ay komentarista ng 101.3 Grace Covenant FM.

Sa social media naman idinaan ng mga kasama nito sa radyo ang paghingi nila ng hustisya.

Nag-alok ng P20,000 na pabuya sa makakapagbigay ng impormasyon sa krimen si municipal administrator Engineer Joselito Miquiabas.


Kaugnay nito , mariing kinondena ng Malacañang ang brutal na pagpatay kay Audrey Gaid Estrada. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read