PATAY sa pananaksak ang isang radio broadcaster kamakalawa ng gabi sa Barangay Himocdongan sa Mabinay, Negros Oriental.
Ayon kay Police Maj. Paul Vincent Dumaguing, hepe ng Mabinay Police Station, pinaslang kamakalawa ng gabi ang radio anchor and commentator na si Rey Blanco, ng Power 102.1 DYRY RFM radio station.
Lumitaw sa pagsisiyasat na nagtungo si Blanco sa bahay ng kapatid ng suspek kung saan nagkaroon sila ang mainitang pagtatalo .
“Thereat the suspect suddenly appeared from behind and without any apparent reason stabbed the victim using a bladed weapon hitting on the victim’s neck,” ani Dumaguing base sa kanilang report.
Nagawa pang maitakbo ang biktima sa Mabinay Community Hospital subalit deneklara itong dead on arrival ng attending physician.
Agad naman sumuko sa mga awtoridad ang suspek sa pananaksak na kinilalang si Charles Yanoc Amada gamit ang 10-inch knife sa “right clavicle area”.
Kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na pinamumunuan ni Joel SY Egco ang naganap na pagpatay sa isa na naming kasapi ng media kasabay ng pagtiyak na makakamit ng pamilya ng biktima ang hustisya.
Ayon kay Security Vanguard, and Police Regional Office (PRO) 7 Vanguard PLTCol Maria Aurora L Rayos na kasalukuyang nang naka detini sa Mabinay Police Station. (VICTOR BALDEMOR)














