Latest News

Quiboloy pinasasampahan ng kaso sa DOJ

By: Jaymel Manuel

Pinasasampahan na ng Department of Justice (DOJ) ng mga kasong kriminal sa hukuman si Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, si Quiboloy ay sasampahan ng mga kasong sexual abuse of a minor at qualified trafficking.

Nabatid na matapos na paburan ng DOJ ang petition for review na nakabinbin sa kanilang tanggapan, mahigit apat na taon na ngayon, kaagad nitong ipinag-utos ang paghahain ng kaso laban kay Quiboloy.

Inatasan nito ang Davao City Office of the City Prosecutor na maghain ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o the Anti-Child Abuse Law si Quiboloy, na may kinalaman sa sexual abuse on a minor.

Samantala, ang kaso namang qualified human trafficking ay ihahain sa Pasig City court.

Tags:

You May Also Like

Most Read