Latest News

QUIBOLOY, DI PAPASAKLOLO KAY DUTERTE

TINIYAK ng isang chief state counsel ng Department of Justice (DOJ) na alinsunod sa batas ang gagawing pagdinig sa extradition ni Pastor Apollo Quiboloy kapag ito ay hiniling nanng Estados Unidos kahit pa malapit ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng ginawang paglalabaa ng wanted poster ng US Federal Bureau of Investigation laban kay Quiboloy at dalawang kasamahan nito sa Davao City-based Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church

Si Quiboloy ay kinasuhan ng sex trafficking at bulk cash smuggling .


“‘Pag natanggap namin ‘yong request, gagawin namin ‘yong trabaho nang naaayon sa batas at sa proseso na ginagawa namin sa departamento, regardless kung sino ‘yong personalidad na involved,” ayon kay Ortha.

Umapela si Ortha sa publiko na magtiwala

sa DOJ sa kabila na nauunawaan nila ang pagdududa ng publiko.

“Basta susundin lang natin kung ano iyong nasa batas at susundin iyong proseso,” dagdag ni Ortha.


Samamtala, sinabi naman ni , KOJC legal counsel Ferdie Topacio na hindi hihingi ng “special favors” si Quiboloy kay Duterte.

“There is no need to. We have laws here and as long as those laws are faithfully complied with in the matter of a petition for extradition, should there be one, ‘yon na ang aming tutuparin (that’s what we will fulfill),” ayon kay Topacio.

Una nang kinuwestiyon ni Topacio ang timing nang pagpapalabas ng FBI ng poster.

Tiniyak ni Topacio na susundin nila ang batas kaugnay sa extradition ni Quiboloy. (TSJ)


Tags:

You May Also Like

Most Read