Naging tropical storm na ang Tropical Depression Queenie nitong Lunes ng umaga.
Ayon sa PAGASA, maaari pa itong tumindi sa susunod na 12 oras.
Gayunpaman, malabo umanong direktang maapektuhan ni “Queenie” ang bansa hanggang Martes.
Huling naispatan si “Queenie” may 815 kilometro silangan ng northeastern Mindanao.
Taglay niya ang maximum sustained winds na 65 kph at pagbugsong hanggang 80 kph.
Maaaring itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa eastern portion ng CARAGA at ilang parte ng Eastern Visayas sa Martes ng gabi.