Inatasan ng Department of Health (DOH) ang Bureau of Quarantine (BOQ) na paigtingin pa ang quarantine protocols sa mga biyahero mula sa China kasunod ng nagaganap na surge ng COVID- 19 sa nabanggit na bansa.
Kabilang na dito ang pagpapaigting sa surveillance sa mga biyahero na.may respiratory symptoms.
Kinakailangan rin umano na.masusing rebisahin ng BOQ ang Maritime Declaration of Health at ang bahagi ng health sa Aircraft General Declaration.
Dapat rin umano na ang lahat ng may sintomas na.pasahero ay maiulat pagdating nila sa bansa.
Ang pahayag ay ginawa ng DOH nang tanungin kung.may basehan para obligahin ang pagsusuri sa mga biyahero mula China.
Ayon sa DOH, pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang guidelines sa border control para sa biyahero mula sa China at irerekomenda ito kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. (Jaymel Manuel)














