QCPD CHIEF, PINASIBAK NI GEN. MARBIL

By: Victor Baldemor Ruiz

Ipinag- utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang administrative relief para kay Quezon City Police District (QCPD) director BGen. Melecio Maddatu Buslig, Jr. matapos na mag-viral sa social media ang kanyang lasenggong tauhan na pumasok sa isang bahay at nanakit pa umano ng menor de edad.

Galit na pahayag ni Marbil sa ginawang kasalanan ng tauhan ni Buslig; “Let this be clear: we will not allow any abusive officer to hide behind the badge. If you harm the people you swore to protect, you will be arrested, prosecuted, and expelled from the service. No second chances. No exceptions.”

Magugunitang noong nakaraang buwan din ay may isang pulis- QCPD ang nag-viral nang punahin niya at tuligsain ang ginawang pag-aresto kay dating Presidente Rodrigo Duterte na ngayon ay nahaharap sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court sa the Hague, Netherlands.#


Agad ding inaresto ng kanyang mga kasamahan ang police staff sergeant na nahagip sa isang viral video na pwersahang nanghihimasok sa isang bahay sa Quezon City at nananakit ng isang menor deedad, base sa National Capital Region Police Office (NCRPO) report.

Sinasabing nasa impluwensya umano ng alak ang nasabing pulis nang manghimasok sa isang bahay sa kahabaan ng Caragay Street sa Barangay Damayan ilang sandali makalipas ang hatinggabi ng April 21 at nakipagtalo sa mga residente, base sa NCRPO nitong Martes.


“Upon verification of the facts and validation of evidence, the erring police officer was immediately arrested by his own commander and fellow officers. He was promptly disarmed, and criminal charges have been prepared for filing,” pahayag naman ng PNP kasunod ng administrative relief order ni Marbil.

Ayon kay Marbil, ang pagsibak kay Buslig ay mariing pagpapakita ng command responsibility at babala na ang pananagutan ay hindi tumitigil sa individual level—”it starts at the top.”


Tags: Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil

You May Also Like

Most Read