QC REP. SUNTAY, BINATIKOS NI MANILA VM ATIENZA SA PAHAYAG UKOL KAY ANNE CURTIS

By: Jerry S. Tan

Binatikos ni Manila Vice Mayor Chi Atienza ang naging pahayag ni Congressman Bong Suntay sa pagdinig sa impeachment, kung saan nagbanggit ito na ‘nag-init’ siya at umandar ang kanyang imahinasyon matapos makita sa isang mall ang aktres na si Anne Curtis.

“Congressman Suntay, it is never normal to sexualize us. Your nonchalant statement simply shows how apathetic you are towards women’s rights,” ani Atienza sa isang opisyal na pahayag.


Ayon pa kay Atienza, nayong buwan ng Marso ay ipinagdiriwang ang ‘Women’s Month’ at panahon umano ito para maalala natin ang kahalagahan ng mga kababaihan.

“Ngunit parang taliwas po ang narinig ng lahat kahapon mula sa inyo noong binanggit ninyo ang inyong pagnanasa sa isang artista sa hearing sa Kamara. Ito po ay nagpapakita na mukhang hindi po ninyo alam na ito ay isang insulto sa mga kababaihan — at kahit kailan ay hindi dapat hinahayaan na ma-normalize,” mensahe pa ni Atienza kay Suntay.

“In these times wherein we, women, are trying to raise our banner, it is counterproductive to accept that such statements are acceptable,” dagdag pa nito.


Tags: Manila Vice Mayor Chi Atienza

You May Also Like