PWD SAKSI SA KRIMEN KINATAY SA HARAP NG ANAK BAGO SINUNOG

By: Victor Baldemor Ruiz

HINIHINALANG pinagplanuhang patayin ng mag live-in partner ang isang solo parent na Person with Disability na umano’y saksi sa pamamaril at pagpatay ng suspek kaya kinatay ito matapos sakalin saka sinunog sa gawaan ng uling sa San Juan, lalawigan ng Batangas .

Kinilala ang biktimang si Mary Jane Delos Reyes, 33, single parent at isang PWD na naninirahan sa Sitio Centro, Brgy. Barualte, San Juan, Batangas.

Arestado naman sa isinagawang follow-up operation ng San Juan Police Station ang mga suspek na kinilalang sina Arcangel Patal, 45 anyos, at kinakasama nitong si Teodora,” 53-taong gulang na kapwa nakatira sa nasabi ding lugar.


Hinala ng mga imbestigador na pangunahing motibo sa pamamaslang ay para patahimikin ang ginang. Nabatid na nasaksihan umano ng biktima ang ginawang pagpatay ng suspek sa kanilang kapitbahay na binaril nito.

Sinasabing malagim ang ginawang pagpatay ng mag live-in sa PWD na ginang na nasaksihan pa mismo ng onse anyos na anak ng biktima nang sakalin ito hanggang mamatay saka pinagputol -putol ang katawan bago sinunog sa ulingan .


Unang inulat na nawawala ang biktima noong Disyembre 17, 2024, pero hindi nagtagal sa kabila ng trauma dinanas ng 11 anyos na anak ng biktima bunsod ng kanyang nasaksihan ay nagawa nitong magsumbong sa kanyang tiyahin na si Maryjune, 27, hinggil sa nasaksihan nitong karumal-dumal na ginawa sa ina.

Sa salaysay ng anak, nakita niyang sinakal ang kanyang ina ng mga suspek saka pinagpira-piraso ang katawan at dinala sa ulingan saka doon sinunog.


Kinabukasan, ay agad naman nagtungo sa himpilan ng pulisya ang kapatid ng biktima para pormal na magsampa ng kasong murder laban sa mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.

Tags: San Juan Police Station

You May Also Like

Most Read