Latest News

PWD, nategi sa harapan ng PGH

Inabot ng kamatayan sa harap ng Philippine General Hospital(PGH),ang isang Person with Disability(PWD),kahapon ng madaling araw sa may Taft Avenue Ermita, Maynila.

Hindi na naisalba pa ng nagrespondeng grupo ng Emergency Response Team ng PGH ang biktimang si Ronaldo Gulas,29,at taga E.Santos Road,Baesa,Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PSSg Irene Jay Manalilo,ng Manila Police District-homicide section alas 12:30 ng madaling araw nang makitang walang buhay sa kalsada ang biktima.


Huling nakitang buhay ni John Campos,21,vendor ,ang biktima na nakaupo sa harap ng PGH,alas 12 ng madaling araw,ilang minuto pa ang nakalipas nakita niya na nakahiga na ito at hindi na kumikilos.

Kaagad siyang humingi ng tulong sa guwardiya ng PGH na siyang tumawag sa Emergency Response Team.


Wala naman nakiyang anumang sugat sa katawan ang biktima.


Tags: Philippine General Hospital(PGH)

You May Also Like

Most Read