Latest News

PWD NA ME SAKIT, TUMALON SA PASIG RIVER, PATAY

By: Baby Cuevas

Sa halip na pumunta sa kanyang doktor para sa kanyang regular na check-up, isang person with disability (PWD) ang tumalon sa Pasig River dahil hindi na umano nito kinaya ang iniindang karamdaman, nitong Martes ng umaga malapit sa riverbank ng Malakanyang sa San Miguel,Maynila.

Positibong kinilala ng kanyang pamangkin na si Jeffrey Reyes, 21,ang biktimang si Adrian, 49, ng No. 1233 Jacinto St., Guadalupe Video, Makati City.

Napag-alaman na alas- 10 ng umaga nang isang concerned citizen ang nakakita sa namamaga nang bangkay na palutang-lutang kaya kaagad niyang ipinagbigay-alam sa Philippine Coast Guard (PCG) na naka- istasyon sa lugar na siya namang tumawag sa Manila Police District -homicide section.


Nang maiahon, walang saplot pang ibaba ang biktima pero nakuha sa kanyang damit na pang- itaas ang isang leather wallet na naglalaman ng mga identification card at dito nakita ang pangalan ng biktima na nakasulat din ang kanyang emergency contact kaya natawagan ang kaanak para kilalanin ang biktima.

Sa impormasyong nakuha ni PMSg Roderick Magpale, imbestigador ng MPD, napag-a laman na na-stroke ang biktima at patay na ang kalahating katawan nito,bukod pa sa epileptic.


Huling nakitang buhay ang biktima alas- 4 ng hapon at bago pumunta sa kanyang doktor para sa regular na check-up ay nagpaalam na pupunta muna sa kanyang kaibigan pero di na bumalik pa.

Iang beses na rin umanong nagtangka ang biktima na wakasan na ang kanyang buhay dahil sa kanyang kalagayan.


Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like

Most Read