Arestado sa mga tauhan ng Manila Police Distric t(MPD), ang isang 53- anyos na lalaki na may “polio,” matapos itong inireklamo ng tatlong counts ng “act of lasciviousness” ng kanyang katrabaho sa isang restaurant kamakalawa ng hapon sa Malate,Maynila.
Ang suspek na kinilalang si ‘Joel’ ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest ng Manila Prosecutors Office dahil sa reklamo ng biktimang tumangging magpalathala ng pangalan.
Nabatid sa Manila Police District-Police Station 9 na nagreklamo umano sa Manila Prosecutors Office noong Agosto ,2022 ang biktima matapos na tatlong beses na hipuan ng suspek noong Agosto 10,16 at 17.
Samantala,todo.tanggi naman ang suspek sa alegasyon ng biktima at aniya ay nagalit lamang umano ito sa kanya nang malaman na ipapa-terminate ang biktima dahil sumasagot at lumalaban umano ito sa kanya.
Sinabi pa ng suspek na sa kanyang kalagayan na may polio, kung totoong kanyang hinipuan ang biktima ay maari siyang itulak nito. Mas malaki din umano sa kanya ang biktima.
Nakadetine naman sa MPD-PS.9, ang suspek. (Jantzen Tan)














