Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 1 ang isang 39- anyos na person with disability (PWD) na wanted sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa isinagawang operasyon kahapon ng hapon sa Vitas Katuparan, Tondo, Maynila.
Nasa kustodiya ng MPD-PS 1, ang suspek na si Rodan Manabat Bayang, alyas “Rodan” , kargador, bulag ang kaliwang mata at taga-Bldg. 11 Rooftop, Vitas Katuparan, Brgy. 101, Tondo, Maynila.
Nabatid na ala-1 ng hapon nang madakma ang suspek sa nabanggit na lugar.
Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Manila RTC Presiding Judge Danilo Leyva ng Branch 175 na may petsang Setyembre 13,2024.
Nakatakdang dalhin sa korte ang suspek para sa tamang disposisyon.














