Latest News

Pura Luka Vega, muling inaresto sa Maynila

By: Baby Cuevas

DINAKIP muli ng pulisya ang kontrobersiyal na drag queen na si Pura Luka Vega sa Sta. Cruz, Maynila dahil sa kanyang nag-viral na ‘Ama Namin’ performance.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), si Vega, o Amadeus Fernando Magallanes Pagente sa tunay na buhay, 34, senior health program officer ng Department of Health (DOH), ay dinakip ng mga tauhan ng Sta. Cruz Police Station 3 (PS-3) sa kanyang tanggapan sa DOH main office sa Rizal Avenue kanto ng San Lazaro St., Sta. Cruz, dakong alas-4:30 ng hapon kamakalawa.

Siya ay inaresto sa bisa ng arrest of warrant na inisyu ni Presiding Judge Dolly Rose Bolante Prado, ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 306 na may petsang Pebrero 26, 2024 dahil sa tatlong bilang ng kaso ng immoral doctrines, obscene publication and exhibitions and indecent shows.


May kaugnayan ito sa kanyang ‘Ama Namin’ performance na umani ng iba’t- ibang reaksiyon sa publiko.

Nagrekomenda naman ang hukuman ng P360,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Si Vega ay kasalukuyang nakapiit sa custodial jail ng MPD-PS3.


Tags: Pura Luka

You May Also Like

Most Read