Latest News

Pura Luka, ‘no show’ sa PI

By: Baby Cuevas

Sa ikalawang pagkakataon ay hindi na naman dumalo sa isinasagawang preliminary investigation sa Manila Prosecutor’s Office ang ‘drag queen’ na si Pura Luka Vega.

Ayon kay Val Samia,Presidente ng Hijos del Nazareno ng Quiapo, tila binabale-wala umano ni Pura Luka Vega ang isinampa nilang kaso.


“Medyo nakakasama nga po ng loob dahil parang binabalewala niya yung reklamo namin laban sa kanya. Nasa kanya na po iyon, kung ano man ang maging resolution ng piskal, hintayin na lang po natin,” ayon kay Samia.

Kasong indecent show at umano’y paglabag sa anti-cybercrime law ang isinampa ng mga opisyal ng Hijos del Nazareno mula sa simbahan ng Quiapo kaugnay ng “Ama Namin” drag performance ni Pura Luka Vega.

Gayunman,sinabi ni Samia na handa naman Hijos del Nazareno na iatras ang kaso, humingi lang ng tawad si Pura Luka Vega sa mismong simbahan ng Quiapo.


“Wala naman pong problema basta tanggapin lang po niya yung pagkakamali niya, mga taong Simbahan po kami, marunong pong magpakumbaba at magbigay ng kapatawaran,” dagdag ni Samia.

Nabatid na maari nang maglabas ng resolusyon ang Manila Prosecutor’s Office dahil sa dalawang beses na pagbale-wala ng drag queen sa preliminary investigation.


Tags: Pura Luka Vega

You May Also Like