Pura Luka, nakalaya na

By: Baby Cuevas

Nakalaya na sa pamamagitan ng piyansa kahapon ng hapon ang drag queen na si Pura Luka Vega matapos na arestuhin ng mga tauhan ng Manila Police District- Station 3 kaugnay sa kanyang kontrobersyal na performance ng ‘Ama Namin’.

Ang release order kay Vega, Amadeus Fernando Pagante sa tunay na buhay, ay inisyu ng Manila Regional Trial Court matapos makapag-piyansa ng P72,000.


Nabatid na alas-4 ng hapon ng makalabas ng presinto si Vega.

Si Vega ay kinasuhan ng paglabag sa Article 201 of the Revised Penal Code – immoral doctrines, obscene publications and exhibitions and indecent shows at cybercrime prevention act of 2012 kaugnay sa drag performance na pag-awit ng punk rock remix version ng ‘Ama Namin’.

Nagpalabas ng warrant of arrest kay Vega dahil sa hindi nito pagdalo sa ginawang preliminary investigation sa kasong isinampa ng Hijos del Nazareno laban sa kanya.


Tags: Pura Luka

You May Also Like