PULIS, TATLO PA, TIMBOG NG PDEA SA 20 KILO NG SHABU

By: Victor Baldemor Ruiz

ISANG police officer at tatlo pang hinihinalang mga bigtime drug personalities sa hilagang Luzon ang nahulihan ng nasa 20 kilo ng shabu sa isinagawang anti- narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Baguio City.

Sa inisyal na ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General USEC Isagani Nerez, itinatayang nasa P136 million ang halaga ng shabu na nakumpiska mula sa apat na high- value target. Isa rito ay police personnel na kanilang nahuli sa isinagawang buy- bust operation.


Batay sa ulat, bandang alas- 11:02 kahapon ng umaga ay inilunsad ang ikinasang buy-bust operation sa pangunguna ng PDEA Regional Office – NCR, katuwang ang PDEA RO CAR at PNP sa area ng South China Sea Green Valley Subdivision sa Brgy. Dontogan, Baguio City.

Nakuha sa apat na suspects ang 20 piraso ng heat-sealed transparent plastic pack na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu at tumitimbang ng 20,000 kilograms na may halagang P136,000,000.

Ayon kay Director Laurefel Gabales, PDEA Chief, Public Information Office, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11 of Art. II of RA 9165 ang mga naarestong suspek.


Kabilang sa mga nasamsam na non- drug evidence ang ilang cellular phones, buy-bust money, baril at sasakyan na pinaniniwalaang ginagamit sa kanilang illegal transactions at mga identification cards.


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like