ISANG kagawad ng Philippine National Police at tatlong iba pa ang nahaharap ngayon sa kasong ‘double murder’ kaugnay sa pagpatay kay Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan board member Ramilito Capistrano at kanyang driver na si Shedrick Toribio, base sa PNP Police Regional Office 3 (PRO3).
Kinilala ang apat na suspek na sina Police Staff Sergeant Ulysses Hernani Castro Pascual at kanyang pinsang si Cesar Mayoralgo Gallardo Jr. at mga kasabwat na sina “Jeff” at “Lupin.”
Ayon sa imbestigasyon, nasa loob ng sasakyan sina Capistrano, pinuno rin ng Association of Barangay Captains sa Bulacan, at Toribio, nang pagbabarilin sila ng mga suspek sa Malolos City.
Bukod ditto ay nahaharap din ang mga suspek sa attempted murder charges dahil nakatakas ang dalawa pang biktima sa ambush, ayon sa Bulacan Provincial Police Office.
Naglaan ang Bulacan government ng P500,000 para sa anumang impormasyon tungo sa ikadarakip ng mga suspek.
Ito ay kasunod ng utos ni Bulacan Governor Daniel Fernando sa provincial police na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa paglikidad sa nasabing local official.
Ayon kay PRO3 chief Police Brigadier General Redrico Maranan, lumitaw ang pagkakakilanlan ng mga suspek kasunod ng ginawang pagbuo ng Special Investigation Task Group Capistrano.
“We remain dedicated to bringing all the perpetrators to justice, leaving no stone unturned in our pursuit,” pahayag pa ni Maranan.
“We seek the public’s cooperation in providing any information that may aid in their capture. We encourage anyone with relevant details to come forward to help us close this case completely,” ayon naman kay Bulacan Provincial Police Office chief Police Colonel Satur Ediong.
Inihan ang reklamomg double murder sa Prosecutor’s Office ng Malolos City.














