Latest News

Pulis sa UP Campus, pinaiimbestigahan ng OSA

Pinaiimbestigahan ng University of the Philippines Manila Student Council (UPMSC) ang apat na miyembro ng Philippine National Police (PNP) na namataan sa loob ng campus, kahapon sa isinagawang flag- raising doon.

Sa inilabas na anunsiyo ng UPMSC, hiniling nila na magkaroon ng dayalogo sa Chancellor, Office of the Vice-Chancellor for Academic Affairs, at Office of Student Affairs dahil sa nakitang PNP personnel sa naganap na flag-raising sa campus.


Humiling din ng klaripikasyon ang UPMSC para alamin kung alam ng UP administration ang pagkakaroon ng PNP personnel at malaman na rin ang kanilang dahilan.

Samantala ,base sa klaripikasyon mula sa admin office ,hindi umano imbitado sa flag ceremony ang mga pulis.

Base sa nakarating na ulat sa UPMSC,ang presensiya ng mga pulis sa flag ceremony ay bahagi umano ng proyekto ng PNP na makisalamuha ang PNP sa mga isinasagawang campus flag ceremony. (JantzenTan)


Tags: Philippine National Police (PNP)

You May Also Like