Latest News

Pulis, nagpaanak ng buntis

MATAGUMPAY na napaanak ng isang pulis-Maynila na nasa checkpoint, ang isang 27-anyos na buntis na inabot ng panganganak sa kanilang bahay,kamakalawa ng hapon sa Pandacan,Maynila.

Nabatid na kasalukuyang nagmamando ng checkpoint si PCpl Burt Benson Abad na isa rin palang registered nurse ,alas 4:27 ng hapon nang lapitan ni Mary Grace Manalili, na isang kasambahay.

Humingi ito ng tulong sa mga pulis na nasa checkpoint at sinabi na manganganak na si Gina, di tunay na pangalan, na amo ni Manalili.


Hindi naman nagdalawang-isip si Abad na puntahan ang buntis na manganganak na nakatira sa 2248 Flerida St., Pandacan, Maynila.

Inabutan ni Abad ang buntis na nasa sobrang pananakit na ng tiyan at sa tulong ni Abad ay maluwalhating nailabas ang sanggol na babae.

Kaagad naman isinugod sa Manila Doctor’s Hospital sa United Nations Avenue, Ermita, ang mag-ina na ngayon ay nasa maayos nang kalagayan.

Binigyan naman ng komendasyon ni Manila Police District Director PBGen Leo Francisco ang ginawa ng pulis na nagpaanak sa buntis. (Carl Angelo)


Tags:

You May Also Like

Most Read