Latest News

Pulis na nanutok sa viral video, iniimbistigahan ng NCRPO

PINAIIMBESTIGAHAN ni National Capital Regional Police Office(NCRPO) PMajor Gen Felipe Natividad ang pulis na diumano ay nanutok ng baril at nagbanta sa dalawang Iranian national dahil sa away trapiko sa Taguig City.

Ito ay matapos na mag-viral ang video na nagpapakita na ang police officer na si Junel Buenaflor ay tinutukan ng baril ang dalawang Iranian nationals sa Barangay Bagumbayan, Taguig.

Sa naturang video, naririnig pa ang sigaw ng pulis na “Dapa! Papatayin ko kayo. Dapa! Habang nakatutok ang baril sa dalawang Iranian at saka nakitang tinadyakan nito ang isa sa kanila.


Nalaman kay acting Taguig police chief Col. Robert Baesa na magkasunod na binabagtas ng pulis at dalawang Iranian na magka-backride ang lugar .

“Halos po magkasunod sila. Nag-signal po itong pulis, hindi po napagbigyan ng Iranian.”ayon kay Baesa.


Nalaman na nagkaayos naman ang tatlo at hindi na nagkasuhan pero minabuti ni Natividad na paimbestigahan pa rin ang pulis. (Philip Reyes)


Tags: National Capital Regional Police Office(NCRPO) PMajor Gen Felipe Natividad

You May Also Like

Most Read