Latest News

PULIS NA NAKAPATAY NG BATA, PINASISIBAK NA SA SERBISYO

By: Victor Baldemor Ruiz

TULUYAN nang inirekomenda ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) na sibakin na sa serbisyo ang pulis na sangkot sa pagkamatay ng isang menor de edad sa Rodriguez, Rizal.

Inihayag ni IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na naisumite na nang kanilang tanggapan sa Police Regional Office 4-A ang rekomendasyon na sibakin sa serbisyo si Police Corporal Arnulfo Sabillo.

Sinasabing lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon kaugnay sa nakahain administrative case laban kay Sabillo na guilty ito sa two counts of grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.

Si Sabillo ay itinuturong nakabaril at nakapatay sa biktimang si John Francis Ompad na aksidenteng lumabas ng bahay matapos na makarinig ng sunod sunod na putok.

Base sa paunang imbestigasyon, hinahabol ng nasabing pulis kasama ng kanyang kaibigang sibilyan na si Jeffrey Baguio ang kapatid ni Ompad na sakay ng motorsiklo na tumakas matapos sitahin ng dalawa na nagsasagawa umano ng checkpoint at saktong paglabas ng bahay ng biktima ay tinamaan ito sa tiyan ng magpaputok ang pulis na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Samantala, maliban sa administratibong kaso, nahaharap din sa kasong homicide at frustrated homicide sina Sabillo at Baguio

Una ng binigyang-diin ng pamunuan ng PNP na hindi kailanman nila kokonsintihin ang mga maling gawain ng mga pulis.

Pahayag ito ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., matapos na muling makaladkad sa kontrobersiya ang Pambansang Pulisya makaraang mahuli ang 2 pulis Cavite dahil sa pangongotong.

Samantala napag alaman na nasampahan na ng patong patong na kaso ang mga kotong cops na sina Senior Master Sgt. Joselito Bugay at Staff Sgt. Dave Gregor Bautista ng Bacoor City police.

Ni-relieve narin maging si Lt. Col. Jesson Bombasi Bacoor Police Chief alinsunod sa doctrine of command responsibility.

Base sa imbestigasyon ng CIDG, tumatanggap ang 2 pulis ng P1.5M kada buwan na payola mula sa transport groups o P170,000 kada transport group bilang protection money.

Tags:

You May Also Like

Most Read