PULIS NA MAY KAMAG-ANAK NA TATAKBONG KANDIDATO SA BSKE 2023, ILILIPAT

By: Victor Baldemor Ruiz

TIYAK na magkakaroon ng mga pansamantalang galawan sa puwesto sa hanay ng Philippine National police para sa mga may kamag-anak na tatakbo sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa Oktubre.

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda, Jr., kasalukuyan na nilang inaalam ngayon kung sino-sino sa kanilang mga tauhan ang may kamag-anak na tatakbo sa BSKE ngayong Oktubre.

Sinasabing ito ang magiging basehan ng gagawin nilang re-assignment ng mga pulis bago mag-eleksyon o pagpapairal ng election ban hinggil sa reassignment.


Layunin nito na matiyak na magiging parehas ang halalan at hindi nasasangkot sa “partisan politics” ang kanilang mga pulis , ani General Acorda.

Nabatid na ang filing ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa BSKE ay mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2.


Pagkatapos nito ay malalaman na at makukumpleto ang listahan ng mga pulis na may kamag-anak na kakandidato para mailipat ang mga ito bago umiral ang election ban.


Tags: Jr., PNP Chief Police General Benjamin Acorda

You May Also Like

Most Read