Latest News

PULIS NA INALIS SA PWESTO DAHIL SA MGA KAMAG-ANAK NA TATAKBO SA BSKE 2023, LUMOBO PA

By: Victor Baldemor Ruiz

SAMPUNG ARAW bago ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Oktubre 30, 2023 ay lumobo pa ang bilang ng mga pulis na inilipat ng pwesto dahil may mga kamag-anak silang kumakandidato.

Sa datos ng Philippine National Police, mula sa 2,800 ay umakyat sa 2,956 ang bilang ng mga pulis na inilipat ng pwesto dahil may mga kamag-anak silang tumatakbo.

Ang nasabing bilang ng pulis ay pansamantalang irere-assign o pansamantalang ililipat ng pwesto.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PCol. Jean Fajardo, binase nila ang kanilang talaan sa isinagawang survey sa kanilang mga tauhan at dito lumabas ang pangalan ng 2,956 na mga pulis na may mga kaanak na tumatakbo sa BSKE.

Paliwanag ni Fajardo, layunin nito n a maiwasang mapulitika ang kanilang mga tauhan at maiwasang maka-impluwensya sila sa resulta ng halalan.

Nabatid na saklaw ang isang tauhan ng PNP ng isinasagawang temporary re-assignment kung siya ay may tumatakbong kamag- anak base sa kanilang blood relation na umaabot hanggang sa pinsang buo.

Paliwanag ni Fajardo, may basbas ng COMELEC ang ginawa nilang paglilipat ng pwesto ng mga pulis.

Tags:

You May Also Like

Most Read