PINANGANGAMBAHANG lolobo pa ang bilang ng nasawi sa nasunog na MV Lady Mary Joy dahil hindi pa ganap na nagagalugad ang kabuuan ng nasunog na pampasaherong barko sa Basilan.
Nabatid na kabilang sa mahigit 30 reported death sa ‘mid-sea fire’ ang ilang pulis at sundalo na sakay ng nasunog na pampasaherong barko.
Base sa initial tally na nakalap ng operating teams mula Philippine Navy at Philippine Coast Guard, nasa 243 passengers ang kanilang na-rescue at 30 rito ay mga tauhan ng Philippine Army.
Kahapon ay patuloy pa ring pinaghahanap ang dalawang sundalo na inulat na ‘missing’ sa fire incident, bukod sa dalawang tauhan ng Philippine Army ang kabilang sa ‘injured’.
Papunta ng Sulu galing ng Zamboanga ang MV Lady Mary Joy 3 nang masunog ito noong gabi ng March 29. Mahigit 200 na pasahero at crew ng barko ang nailigtas.
Kinumpirma ni Nixon Alonzo ng Basilan PDRRMO, hindi pa nakikita ang kabuuan ng area ng nasunog na ferry kung saan may mga nakita pang biktima.
May mga pasahero pa rin umano na hindi nakikita, at posible nay trap at na nasa mga area ng barko na hindi pa na-explore ng rescue team .
Wala pa ding detalye kung ang dahilan ng pagkamatay ng mga biktima ay ang pagkakakulong sa loob ng passenger ship, o pagka lunod ani Alonzo.
Nabatid pa na majority din ng mga pasahero ay mga Muslim. May mga bangkay umano na ang na-claim at dinala sa Sulu. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)














