Sugatan ang tatlong katao kabilang ang dalawang pasahero at driver ng ng isang public utility jeepney (PUJ), matapos nitong mawalan ng kontrol at araruhin ang isang motorsiklo at taxi bago bumangga sa isang poste ng ilaw na nasa harapan ng Manila City Hall sa Padre Burgos Street, Ermita,Maynila.
Isinugod sa Chinese General Hospital ang biktimang si Janine Rose Has, waitress, ng 2015 Bakintawak Ext. Tondo, Maynila at isang hindi nakilalang lalaki at ang driver ng PUJ na Jonathan Pedrosa La Torre, residente ng Daang Kalabaw, Bacoor, Bulacan at nagmamaneho ng jeepney may plakang (NYU-774).
Naganap umano ang insidente alas- 9:40 ng umaga sa northbound lane ng Padre Burgos Street sa harap ng Manila City Hall.
Nabatid na binabaybay ng suspek ang nabanggit na lugar nang mawalan ng kontrol ang minamanehong jeep, dahilan para masagi ang taxi na minamaneho ni Rhen Dexter Gabriel ng San Mateo, Norzagaray, Bulacan at Yamaha Mio na minamaneho ng rider na si Jaypee Ramos. ng Blk2 Lot2 Newton St, Las Piñas City, bago tuluyang bumangga sa poste ng ilaw na inilagay ng Manila City Engineering Department.
May iba pang pasahero ng jeep ang nagtamo ng minor injury pero hindi na nagpadala sa pagamutan , gayundin ang driver ng jeep at taxi .
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit.
Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to. property si Pedrosa.














