Latest News

PUGOT NA ULO, NATAGPUAN

By: Victor Baldemor Ruiz

ISANG pugot na ulo ng lalaki ang natagpuan ng mga awtoridad sa isang irrigation canal sa Barangay Salapungan sa San Rafael, Bulacan.

Ayon sa San Rafael Municipal Police station, wala pang pagkakikilanlan sa nasabing pugot na ulo subalit malaki ang posibilidad na ito ay sa bangkay ng isang lalaking walang ulo na nakitang palutang-lutang Lunes ng hapon sa ilalim ng tulay malapit sa kung saan nakita ang ulo, sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat ng San Rafael Municipal Police, isang barangay tanod ang nakakita sa bangkay na nakasuot ng itim na t-shirt, itim na pantalon at itim na rubber shoes. Ang biktima ay itinatayang nasa 30 hanggang 40 anyos ang edad, may taas na nasa 170 hanggang 175 cm at katamtaman ang pangangatawan.

Ayon sa San Rafael Municipal Police, hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

Nasa punerarya na ang mga labi na na-recover habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.


Tags: San Rafael Municipal Police Station

You May Also Like