Publiko, walang dapat ipangamba sa uptick sa kaso ng COVID-19

Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na walang dapat ipangamba sa nagaganap na” uptick” sa kaso ng COVID-19 sa bansa.

Gayunman, nagbabala rin si Duque sa publiko sa pagiging kampante at di pagsunod sa minimum health protocols.


Ang pahayag ay ginawa ni Duque sa DOH Back-to-Vax Champion COVID-19 vaccination event.

“There is “no need” to worry “at this point. But the situation doesn’t present itself as an excuse to be complacent. So, we still have to comply strictly with our masking mandate, and the rest of the minimum public health standards,” ayon kay Duque.

Ayon kay Duque ,inaasahan niya ang posibleng surge sa kaso ng COVID-19 pero ito ay minor at panandalian lamang at hindi na magiging punuan ang healthcare system’s capacity.


Sinabi pa ni Duque na ang average daily attack rate (ADAR) sa bansa ay mas mababa sa 1 % kada 100,000 populasyon.

Habang ang healthcare utilization rate (HCUR) sa NCR ay 25%, lamang at bago ito mailagay sa moderate risk dapat na ito ay umabot sa 50% hanggang 70% .


Nabatid kay Duque na sa kabila na ang NCR ay nagpakita ng positive two-week growth rate, ang average daily attack rate (ADAR)ay nanatiling mababa sa 6% na mas mababa sa 1 case kada 100,000 population.

Samantala, ang bansa ay nakapagtala ng 425 bagong kaso ng COVID19 nitong Huwebes.


Kaugnay nito,sinabi rin ni Duque na may sapat na COVID19 vaccine ang bansa sa pagpasok ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (Anthony Quindoy)

Tags: Health Secretary Francisco Duque III

You May Also Like