Hinikayat ng Department of Health(DOH), ang publiko na patuloy na magsuot ng facemask sa kabila nang inalis ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr,ang state of public emergency.
“The Department of Health (DOH) strongly recommends the public to continue adhering to our layers of protection such as wearing face masks, isolating when sick, and ensuring good airflow. These layers of protection are also effective not only against COVID-19 but also from other infectious diseases. At this time, we entrust the public to raise their risk-tolerance against COVID-19 and continue to practice assessing our risks, “ayon sa DOH.
Ito ay dahil sa pagpasok na rin ng EG.5 variant na XBB.1.9.2 sublineage na nadagdag pa sa listahan ng variants na nasa ilalim ng monitoring ng World Health Organization (WHO).
Napag-alaman na ang EG.5 variant ay na-detect na sa 49 na bansa at sa Pilipinas.
Ito umano ay walang pagkakaiba sa orihinal na Omicron variant at limitado lamang ang impormasyon
na nakuha sa EG.5 variant at hindi pa tiyak kung gaano kabagsik ito at,kung napapasok ang immunity at kung ito ba ay nagiging dahilan ng paglala ng sakit .
Gayundin, patuloy na hinihikayat ng DOH ang publiko na magpabakuna at magpa booster para sa karagdagang proteksiyon laban sa COVID19.














