PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH), ang publiko sa “food poisoning” ngayon summer season.
Ayon sa DOH,ngayon kasi ang panahon na ang mga pagkain ay mabilis na mapanis kaya dapat ihanda ito ng maayos bago kainin.
Pinayuhan ng DOH, ang publiko na inspeksiyunin mabuti ang anumang pagkain o inumin bago ito ihanda partikular na kung ipapakain ito sa mga event para matiyak na ligtas itong kainin.
Pinayuhan ng DOH ang publiko na magsuot ng food-grade gloves, hair net, mouth covers;sterilize ang mga kagamitan ,at iwasan ang paghahalo ng litp at hindi.lutong pagkain.
Panatilihin sa malamig at tuyong lugar ang mga lutong pagkain na hindi pa ihahanda gaya ng refrigirator.
Sa sandali naman makaranas nang pananakit ng tiyan,pagkahilo,pagsisula,pagtatae o lagnat matapos na makakain kaagad na magpa konsulta sa klinika o hospital para mabigyan ng lunas. (Anthony Quindoy)














