Publiko, inawat ng DOH sa frozen eggs

Inawat ng Department of Health (DOH),ang publiko sa pagtangkilik ng mga “frozen eggs” dahil sa panganib ng kontaminasyon ng bacteria.

“Ang itlog kapag na-subject sa extremes of temperature maaari po siyang mag-breed ng mga organismo na maaaring makasama sa ating katawan. May mga specific na bacteria na easily nako-contaminate niya ang itlog,”ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.


“Kaya kami po ay nagbibigay ng abiso at ng guidance para po sa ating mga kababayan, itong pong mga fine-freeze na mga itlog ay maaari pong makasama sa inyong health,”dagdag ni Vergeire.

Ipinaliwanag ni Vergeire na sa kabila nang hindi naman lahat ng itlog ay mako-kontamina kapag nai -frozen.pero.nandoon ang panganib na ma-kontamina ito.

“So iwasan po natin ano, let us sell these fresh eggs para po ‘yun pong kinakain ng ating kababayan ay maging healthy pa rin,” giit ni Vergeire.


Nabatid na naging patok ang mga frozen eggs kasunod ng pagtaas ng presyo ng itlog sa merkado. (Philip Reyes)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read

Latest News