Naglabas ng paanyaya sa publiko si Rev. Fr. Hans Magdurulang, Parish Priest ng Our Lady of the Assumption (OLA), lalo na sa mga may karamdaman, na dumalo sa isang misa para sa mga maysakit na gaganapin sa April 22, 2026 (Wednesday) ng umaga.
Ayon kay Rev. Fr. Hans, ang naturang misa ay gaganpin alas-9 ng umaga at susundan ng ‘blessing with the oil of Saint Sharbel Makhlouf.’ Gaganapin ito sa Our Lady of Assumption sa Leveriza, Malate, Maynila, sa likod ng Paraiso ng Batang Maynila na kaharap naman ng Manila Zoo.
Ani Fr. Hans, lahat ay ‘welcome’ na dumalo sa nasabing misa na susundan ng nasabing blessing.
Nitong March 2026 ay pinangunahan ni Fr. Hans ang pag-welcome sa pilgrim relic ni Saint Sharbel Makhlouf sa Malate, Maynila at lumahok na din ito sa mga pilgrimage sa mga lokasyong gaya ng Shrine of Our Lady of Tra Kieu sa Vietnam.
Si Saint Sharbel o Charbel (1828–1898) ay isang Lebanese Maronite monk at pari na kilala sa kanyang ‘intense holiness, extreme asceticism at thousands of recorded miracles.’
“Known as a “wonder-worker,” he is recognized for his incorrupt body, which appeared sweating a blood-like liquid and for his deep devotion to the Eucharist Thousands of miracles, including physical and spiritual healings, are attributed to his intercession. His miracles often cross religious lines, drawing Christians and Muslims alike to his shrine in Annaya, Lebanon,’ ani Fr. Hans.














