Wala umanong dapat ika-alarma ang publiko sa pinakahuling pagtaas ng kaso ng COVID- 19 sa bansa.
Ito ang inihayag ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, dahil ang lahat umano ng rehiyon ay nananatiling nasa ‘ under low-risk case classification’ habang ang hospital admission rates ay patuloy naman na kontrolado.
“Wala ho tayong kailangang ipag-panic. Hindi natin kailangan mag-panic,” ani Vergeire.
“Alam na ho natin na talagang expectedly cases… might increase. But as long as our hospitals are manageable… walang masyadong severe and critical, hindi ho natin kailangan mag-panic.”
Napag-alaman na mula Disyembre 5 hanggang 11, may naitalang 8,292 bagong kaso ng COVID-19 na 7 % mas.mataas kumpara sa nakalipas na linggo.
Sa nasabing panahon ,naitala ang 1,185 arawang bagong kaso ng COVID 19.
Sinabi rin ni Vergeire na hindi naman accurate ang positivity rate sa ilang lugar.
Hanggang nitong Disyembre 12 ,ang Pilipinas ay may 18,355 aktibong kaso.














