Latest News

Publiko, hinikayat ng DOH na umiwas sa pagbili ng paputok at gumamit na lang ng alternatibong paraan ng pag-iingay

Muling hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na umiwas at huwag nang bumili ng paputok para sa pagdiriwang ng Bagong Taon upang makaiwas sa anumang disgrasya.

Ayon sa DOH, mas makabubuting manood na lamang ang publiko ng mga fireworks na inihanda at inorganisa ng mga propesyunal para sa Bagong Taon, sa halip na magpaputok.

Payo pa ng DOH, gumamit na lamang ng alternatibong paraan ng pag-iingay upang maging mas ligtas at mas masaya ang pagdiriwang ng holiday.


“Families can alternatively utilize loud noises from other sources, such as loud speakers, horns, percussion, pans, and pots, among many others, for a safer and more joyous holiday celebration,” anang DOH sa isang kalatas nitong Sabado.

Nanawagan rin ang DOH sa mga local government units (LGU) at mga pribadong sector na suportahan ang kanilang kampanya laban sa paputok upang makatulong na mabawasan ang bilang ng mga maitatalang fireworks-related injuries and deaths.

“The public can rest assured that the DOH will be proactively monitoring and conducting surveillance activities of the situation on the ground and in our hospitals to ensure that our health facilities are supported in any way or form in combating physical injuries, diseases, COVID-19, and any form of health emergency,” dagdag pa ng DOH.

Samantala, tiniyak rin ng DOH na bago pa man sumapit ang Bagong Taon ay naka-high alert na ang mga pagamutan sa bansa, bilang paghahanda sakaling magkaroon ng emergency, gaya nang pagkasugat ng ilang indibidwal dahil sa paggamit ng paputok.


Ayon sa DOH, mahigpit nilang imu-monitor ang mga pagamutan upang matiyak na handang-handa na ang mga ito upang rumesponde sa mga fireworks-related injuries at anumang emergencies, bilang bahagi ng kanilang kampanyang ‘Iwas Paputok.’

Nabatid na sa Disyembre 29, bibisitahin ng ilang opisyal ng DOH ang Las Piñas Trauma Center, Jose Reyes Memorial Medical Center, East Avenue Medical Center, at Amang Rodriguez Medical Center.

Sa Disyembre 31 naman, bibisitahin rin ng mga opisyal ng Field Implementation and Coordination Team (FICT) ang mga komunidad sa Luzon, Visayas, at Mindanao upang masigurong ligtas ang pagdiriwang ng mga pamilya sa Bagong Taon.

Anang DOH, sa Enero 1, 2023 naman, magdaraos ang DOH ng media forum at bibisitahin ang mga pagamutan sa Baguio City at mga nakapaligid na lugar doon upang i-assess ang pangkalahatang sitwasyon, matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon. (Carl Angelo)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read