HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) na magpa-COVID-19 booster shot para mapigilan ang panibagong posibleng surge ng kaso.
Ito ang inihayag ni DOH infectious disease specialist Edsek Salvana dahil umano may posibilidad na muling.magkaroon ng surge.
“Ang COVID naman surprises ang pinakita sa ‘tin. Important na gamitin pa rin natin yung mga tools na alam nating gumagana para masugpo ang COVID-19. Lalong lalo na sa di pa nagpapa-boost at 3 months na (after), you’re above 18 years old magpa-boost na po tayo,” ayon kay Saldana sa ginanap na public briefing.
Nabatid na may 11.2 milyon ng 64.66 milyon fully-vaccinated na indibidwal ang tumanggap ng kanilang booster hanggang nitong Marso 15.
“We have tools which we have turned COVID almost an endemic virus. Kung mapapagpatuloy pa natin to, wala na pong bagong variant na lumabas tuloy-tuloy na po yan towards endemicity,” dagdag ni Salvana.
Sinabi ng opisyal na pinag aaralan pa ang pagbibigay ng 4th dose sa mga immunocompromised na indibidwal. (Jantzen Tan)